6 ikinulong na jeepney driver, humiling na palayain na

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 05:52 AM | Updated as of Jun 03 2020 06:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Humihiling ang mga ikinulong na jeepney driver ng PISTON ngayong Miyerkoles na agad silang palayain para makabalik na sa kanilang paghahanapbuhay.

Nakakulong sila ngayon sa custodial facility ng Caloocan Police dahil umano sa kawalan ng physical distancing, disobedience, at illegal assembly.

Kwento nila, nagtipon sila para manghingi ng donasyon para sa mga driver na lubhang apektado ng lockdown dahil hindi pa rin pinapayagan ang pagbiyahe ng mga jeep.

Masama ang loob ni Elmer Cordero, 72, dahil hindi nila alam na makukulong sila at inimbitahan lang umano na magpaliwanag sa presinto.

Mariing kinundena ng PISTON ang insidente.

Nakatakda ang inquest nila ngayong Miyerkoles at may abogado na sila mula sa grupong Bayan Muna.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.