30 bahay nasunog sa Basilan; 3 sugatan

Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 06:12 PM

Aabot sa 30 na bahay ang nasunog sa Isabela City, Basilan nitong Miyerkoles, Hunyo 3, 2020. Kuha ni Richard Falcatan

ISABELA CITY, Basilan - Aabot sa 30 na bahay ang nasunog sa Barangay Kaumpurnah Zone 2 sa lungsod na ito Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection - Isabela City, umabot sa third alarm ang sunog at ilang oras muna ang lumagpas bago ito tuluyang naapula.

Tatlong residente ang nasugatan sa insidente.

Patuloy ang ginagawang assessment ng lokal na pamahalaan para malaman kung ilang pamilya ang naapektuhan sa sunog.

Dinala sa isang eskwelahan ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Ayon sa BFP-Isabela, hindi pa nila matukoy sa ngayon ang dahilan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.