2 timbog sa tangkang panghoholdap sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2019 10:38 AM

MAYNILA- Arestado ang 2 lalaki sa tangkang panghoholdap sa isang KTV bar sa lungsod ng Makati nitong Lunes ng umaga.

Iginapos muna ng mga suspek ang guwardiya ng KTV bar pero nakatakas din ito at humingi ng tulong ayon kay Police Col. Rogeli Simon, hepe ng Makati Police.

Dagdag ni Simon, posibleng "inside job" ang krimen dahil alam ng mga suspek kung saan nakalagay ang pera sa KTV bar.

Nagkaroon pa ng habulan hanggang sa mahuli ang mga suspek.

-ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.