PatrolPH

#WalangTubig sa ilang lugar sa Metro Manila, Rizal sa Hunyo 2-3

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2022 07:50 PM

MAYNILA - Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at Rizal simula Huwebes hanggang Biyernes, ayon sa Manila Water.

Sa pagitan ng alas-10 ng gabi ng Huwebes at alas-6 ng umaga ng Biyernes , makararanas ng pansamantalang paghina ng pressure o kawalan ng tubig ang mga konsumer ng Manila Water dahil sa maintenance work at enhancement activities sa pipe network sa Maynila, ayon sa water concessionaire.

Kasama sa mga apektadong lugar ang ilang barangay sa mga sumusunod na lungsod at munisipalidad:

  • Marikina City
  • Makati City
  • San Andres, Manila
  • Sta. Ana, Manila
  • Taguig City
  • Rodriguez, Rizal
  • Quezon City

 

 

Para sa kabuuang listahan ng mga apektadong lugar at petsa ng mga scheduled water interruption ngayong linggo, maaaring pumunta sa website ng Manila Water.

Pinayuhan ng Manila Water ang mga konsyumer na mag-ipon ng sapat na tubig.

-- Ulat ni Reniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.