PatrolPH

P1.3M halaga ng droga nasabat sa Parañaque buy-bust

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2021 07:23 AM

Watch more News on iWantTFC

Tatlong drug suspek ang inaresto sa buy-bust operation sa Parañaque, Lunes. 

Higit P1 milyon ang halaga ng droga na nakuha sa kanila. 

Ayon kay Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, district director ng Southern Police District, nakatanggap ng tip ang Parañaque Police ukol sa ilegal na gawain ng mga suspek. 

Nagpanggap na bibili ng droga ang isang police poseur-buyer at nakipagkita sa mga suspek sa Roxas Ave. sa Barangay Baclaran. 

Matapos ang bentahan, hinuli agad ang 3 suspek -- 2 babae at 1 lalaki. 

Nakuha sa kanila ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P1.3 milyon. 

Nakakulong na ang mga suspek sa Parañaque City police custodial facility.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.