PatrolPH

Most wanted sa Cagayan region arestado matapos magtago ng halos 6 taon

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2021 03:41 PM

Nahuli ng mga awtoridad noong Martes ang lalaking itinuturing na "most wanted" sa Cagayan Valley Region matapos ang halos 6 na taong pagtatago nito.

Kinilala ng pulisya ang suspek bilang si Kristopher Mesias, 39, na dawit sa pagpatay umano sa isang Koreano na pinagsilbihan niya bilang driver at bodyguard noong 2015.

Tubong Villaverde, Nueva Vizcaya ang suspek.

Nakuha noon kay Mesias ang baril na ginamit sa pagpatay sa dayuhang biktima, ayon sa pulisya.

Murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga isinampang kaso laban kay Mesias.

LINK:
https://news.abs-cbn.com/life/07/27/17/murder-o-homicide-mga-krimen-sa-pagpatay-ng-tao-may-pinagkaiba-ba

Pansamantala umanong nakalaya si Mesias nang makapagpiyansa sa reklamo tungkol sa pagmamay-ari ng baril habang bumagsak naman sa regular filing ang reklamong murder.

Matapos matunton at manmanan nang ilang buwan, hinuli ng mga awtoridad ang suspek sa Barangay Calapacuan, Subic, Zambales.

Nasa kustodiya ngayon ng Villaverde Police Station si Mesias na isinasailalim sa dokumentasyon bago iharap sa korte para harapin ang mga kaso.

— Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.