Stage performer na stranded sa Cebu habang lockdown, umapela ng tulong

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 03:26 PM | Updated as of Jun 02 2020 04:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nanawagan ng tulong ang isang stage performer sa Lapu-Lapu, Cebu nang maubos ang kaniyang pondo matapos mawalan ng trabaho at ma-stranded nang tatlong buwan habang naka-lockdown. 

Sa “Lingkod Kapamilya” ng Teleradyo, sinabi ni Anna Marie na natigil ang kaniyang trabaho bilang stage performer at nawalan siya ng hanapbuhay sa pag-arangkada ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

“Habang lockdown hindi po ako makabili ng ticket kasi ang mahal po so in-anticipate ko po magse-stay lang ako. Akala ko one month lang po. Ngayong magti-3 months na po ako na-shock po ako naubos na sa savings kasi walang pumapasok na pera,” aniya sa programa. 

Ayon pa kay Anna Marie, nabaon siya sa utang. Nababalisa na aniya siya habang hindi pa nakakapiling ang pamilya sa Maynila.

“Gusto ko is makauwi ng Manila para makasama ang family. Baka magkaroon ako ng anxiety at depression sa lungkot ko. Nawala po yung daily routine ko,” aniya. 

Sa parehong panayam, sinabi ni ni Lapu-Lapu Mayor Junard Chan na sasagutin na nila ang pagpapauwi kay Anna Marie sa Maynila, maging ang pocket money habang pinaplantsa niya ang kaniyang mga requirements bago makapiling ang pamilya. 

“Sabi ko wag kang mag-alala tutulungan ka namin so ang amin lang you already have my number you can text me, and I will take care of your fare going to Manila,” ani Chan, na nakausap na ang stage performer noong nakaraang gabi. 

“I can give you a pass to travel. I will coordinate with the regional police para [sa] pagpunta niya sa Maynila,” ani Chan. 

Sinabi din ng LGU na nakipag-ugnayan sila kay Coco Martin para matulungan si Anna Marie. Ayon umano kay Martin, gusto niyang makita si Anna Marie para matulungan ito pagkarating nito ng Maynila. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.