"Isang Daan, Isang Pamilya" layong maalalayan ang mas maraming pamilya
Mula Quezon City, maagang ibiniyahe ng ABS-CBN Sagip Kapamilya ang sako-sakong bigas, at kahon-kahong de-lata at noodles para ibahagi sa "Bayan ni Juan" community sa Calauan, Laguna.
Sa naturang komunidad, na proyekto ng ABS-CBN at National Housing Authority, na-relocate ang mga pamilyang tulad ni Sally Esguerra, na naapektuhan ng bagyong Ondoy noong 2009.
Ayon kay Esguerra, 2 buwan nang hindi nakapagpapadala ng pera ang mister niya matapos matigil ang trabaho sa Bicol dahil sa lockdown, na ipinatupad ng gobyerno para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
"Apat ang anak ko so malaking bagay na wala mang padala ang asawa ko, may ibang foundation, tao na nakakatulong sa'min para mag-survive sa pandemic na ito," ani Esguerra.
Higit 5,000 bahay ang naipatayo sa "Bayan ni Juan" para rin sa mga pamilyang nakatira sa gilid ng estero sa Maynila.
Bukod sa bahay, iskolar din ng Bantay Bata ang isa sa mga anak ni Esguerra.
Napilitan naman ang maybahay na si Diodeta Ogaya na isara ang kanilang maliit na sari-sari store dahil sa quarantine.
Nahirapan din daw siya sa halos 2 buwan na walang kita, lalo pa't isang person with disability ang mister niya.
Sa tulong ng donors, nahatiran ng pagkain ng Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN ang mga kagaya nina Esguerra at Ogaya.
"Nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapagbigay ng direkta sa komunidad. Pinuntahan agad natin sila," ani ABS-CBN Sagip Kapamilya director Jun Dungo.
"Sabi nga natin, walang iwanan," aniya.
Mula noong Marso, nakalikom na ang Pantawid ng Pag-ibig ng higit P400 milyon cash donations na pledges, at nakapamahagi ng tulong sa higit 750,000 pamilya sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.
Pero maraming Pinoy ang nawalan ng trabaho o walang kakayahang maghanapbuhay kasunod ng lockdown.
Bilang pagtugon sa ganoong situwasyon, inilunsad ang "Pantawid ng Pag-ibig Phase 2: Isang Daan, Isang Pamilya."
"Tatawagin natin itong 'Isang daan, isang pamilya'... kasi your P100 can feed a family," paliwanag ni Dungo.
Target ng ikalawang phase ng Pantawid ng Pag-ibig na umabot sa isang milyong pamilya ang matulungan hanggang Agosto.
Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:
- Century Pacific Food, Inc.
- Rebisco
- Suy Sing Corporation
- Lucio Tan Group, Inc
- McDonald’s
- Safeguard
- Quick Chow Noodles
- Great Taste 3 in 1
- Sunsilk Shampoo
- Mega Sardines
- Generika Drugstore
- Champion Detergent
- Unilab
- Ritemed
- Hana Shampoo
- Coca-Cola
- Colgate Palmolive
- Kopiko
- Ligo Sardines
- CDO Foodsphere
- IPI
- Lucky Me
Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:
- Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
- Intermed Marketing Phils, Inc
- Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
- Pampanga's Best
- RFM Fiesta Pasta
- Wilcon Depot
- Aboitiz Group
- Benby Enterprises Inc.
- Bistro Group
- Champion Detergent Bars
- Coca-Cola
- Green Cross
- Greenwich Binondo Branch
- Hanabishi
- Jollibee Binondo Branch
- Chowking Binondo Branch
- Kenny Rogers Roasters
- Lemon Square
- Master Sardines
- Nature’s Spring
- NutriAsia
- Philippine Egg Board Association
- Poten-Cee
- Silka Soap
- Starbucks Philippines
- Sun Life Foundation
- Tolak Angin
- Century Pacific Foundation
- JP Morgan
- Suy Sing Commercial Corporation
- Ajinomoto
- Beautederm Corporation
- Cebuana Lhuillier Foundation Inc
- Deli Mondo Food Specialties Inc
- JAKA Group
- GCash
- Lazada
- P&A Grant Thornton Foundation Inc
- PICPA Metro Manila
- Rotary Club of Makati
- SC Johnson
- SEAOIL
- TIM IT Company
Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.
Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:
-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, public service, coronavirus public service, Pantawid ng Pag-ibig, Isang Daan Isang Pamilya, Bayan ni Juan, Calauan, Laguna, food packs, relief goods, Sagip Kapamilya, TV Patrol, Bernadette Sembrano