Higit 1,000 pamilya sa Maguindanao napilitang lumikas dahil sa 'clan war'

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 03:13 PM


TALITAY, Maguindanao — Nasira ang ilang bahay habang lumikas ang mahigit 1,000 pamilya dahil sa gulo sa pagitan ng dalawang grupo sa bayan na ito.

Sa impormasyon mula sa 6th Infantry Division ng militar, nagpapatuloy ang gulo sa pagitan ng Ameril group at Sabal clan, dahilan para lumikas ang mga residente. 

"Just in case na kinakailangan talaga 'yung military, naka-ready naman kami to flex our muscles para mag-intervene pero sa ngayon kasi we look into 'yung existing peace mechanism dahil nga 'yung involved na factions ay affiliated sa MILF," ani Lt. Col. Edgardo Vilchez, Jr., spokesperson ng naturang dibisyon. 

Nananawagan ngayon ng tulong ang mga residente lalo pa’t ilan sa mga bahay sa lugar ay nasira dahil sa bakbakan. 

Tinangay rin umano maging ang mga alagang hayop ng ilang residente.

—Ulat ni Lerio Bompat, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.