Checkpoint sa Bukidnon hinagisan ng granada; 2 pulis sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2020 02:32 PM

Sugatan ang 2 pulis matapos hagisan ng granada ang binabantayan nilang checkpoint sa bayan ng Cabanglasan, Bukidnon.

Naglatag ng mobile checkpoint ang mga pulis sa nasabing bayan nang biglang dumaan ang 2 salarin na nakaangkas ng motorsiko, sabi ngayong Martes ni Police Col. Roel Lami-ing, direktor ng Bukidnon police.

Sa halip umano na huminto sa checkpoint, hinagisan ng mga suspek ng granada ang mga pulis, kaya nasugatan sina Staff Sgt. Junmark Suico at Patrolman Alvin Claunan.

Pinaputukan ng mga pulis ang mga salarin pero mabilis na nakatakas ang mga ito.

Inatasan na ang iba pang pulis sa Bukidnon na hanapin ang dalawang salarin.

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.