Trak, nasunog matapos makabangga ng motorsiklo sa Bukidnon

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2019 07:08 PM

MANOLO FORTICH, Bukidnon - Tinupok ng apoy ang isang personnel hauler truck ng Del Monte sa Barangay San Miguel, Manolo Fortich, Bukidnon pasado alas tres ng hapon Linggo matapos mabangga ang kasalubong nitong motorsiklo.

Ayon kay FO1 Jeffer Cyrus Altomera, head on ang banggaan sa pagitan ng hauler truck at motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada kung saan pumailalim pa ang motor saka sumiklab ang apoy.

Kinompirma ni Police Lt. Col. Duphar Chris Cuaresma, dead on the spot ang driver ng motor na si Jerome Lumijay habang sumuko naman ang driver ng hauler truck na si Jerson Ubanan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente at maaring sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang drayber ng trak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.