PatrolPH

Mga turista, tinamaan ng kidlat sa Siargao; 1 patay

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2019 11:20 PM

GENERAL LUNA, Siargao Island - Namatay ang isang turista habang sugatan ang limang iba nang tamaan ng kidlat sa Naked Island sa General Luna sa Siargao Island Sabado ng hapon.

Sa imbestigasyon ng General Luna Police Station, isang grupo ng mga lokal na turista ang nag-island hopping sa Naked Island.

Ayon kay Grace Tolibas, nasa isla sila at kumukuha ng retrato nang biglang may tumamang kidlat malapit sa mga turista.

Kumalat umano ang boltahe ng kidlat sa isla at tinamaan ang mga turista.

Nagtamo ng mga sugat sina Elain Jhane Zamora, Princess Jayme, Zuzanne Sigamol, Lee Christian Zamora at si Tolibas.

Agad dinala sa ospital ang mga biktima pero dineklarang dead on arrival ang manager ng isang call center sa Cebu na si Lee Christian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.