Lalaki patay sa pamamaril sa eatery sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2019 11:48 AM

LILOAN, CEBU -- Patay sa pamamaril ang isang lalaki na kumakain sa isang eatery sa Barangay Jubay sa bayan na ito noong Sabado. 

Kinilala ang biktima bilang si George Cabase, 33 na dead-on-the-spot dahil sa tama ng baril sa kaniyang leeg at likod. 

Agad na tumakas ang salarin matapos ang krimen. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa nangyari. 

-- Ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.