2 lalaki patay sa aksidente sa motorsiklo sa QC

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2019 10:08 AM | Updated as of Jun 02 2019 06:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Dalawang lalaki ang namatay matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa dalawang taxi sa Quezon City. 

Idineklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center ang dalawang motorcycle rider na parehong walang suot na helmet.

Walang nakuhang pagkakakilanlan ang mga rescuer mula sa dalawang biktima na sakay ng pulang motorsiklo.

Ayon sa driver ng isang taxi na nabangga ng mga nasawi, mabilis ang takbo ng motorsiklo na binabagtas ang westbound lane ng Quezon Ave. 

Dire-diretso umano ito ng takbo kahit na nag-red light na sa kanilang linya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.