PatrolPH

Fish vendor pinagbabaril habang nagtitinda sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2021 07:51 PM

STA. CRUZ, Davao del Sur — Binaril ng riding-in-tandem sa bayan na ito ang isang lalaking fish vendor habang nagbebenta ito sa Sitio Masigasig noong Lunes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ramil Odog Tig-adlao, 42.

Base sa imbestigasyon, 2 lalaking nakasakay sa motoriklo ang mga salarin.

Lumapit umano ang nakaangkas sa motorsiklo at binaril si Tig-adlao ng 3 beses.

Tumakas ang mga salarin sa direksiyon patungo ng Digos City.

Ayon sa mga nakakita, ang gunman ay nakasuot ng striped t-shirt habang ang driver ay naka-yellow t-shirt.

Wala umanong plate number ang motorsiklo na sinakyan ng dalawa.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga responsable.

—Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.