PatrolPH

2 patay sa magkahiwalay na aksidente sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2021 12:05 PM

2 patay sa magkahiwalay na aksidente sa Davao de Oro 1
Patay ang isang babae matapos bumangga ang minamaneho niyang sasakyan sa isa ring kotse sa Nabunturan, Davao de Oro, Mayo 31, 2021. Retrato mula sa Nabunturan Municipal Government

Isang babaeng motorista at isang pulis ang nasawi sa magkahiwalay na aksidente sa Davao de Oro nitong mga nakaraang araw.

Sa bayan ng Nabunturan, binawian ng buhay si Honey Albania, 22, matapos bumangga ang minamaneho niyang sasakyan sa kasalubong na kotse sa Barangay New Sibonga noong umaga ng Lunes.

Nag-overshoot sa kabilang lane sa kalsada sa pakurbang bahagi ng highway ang sasakyan ni Albania kaya nagkabanggan sila ng kasalubong na kotse, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

May isa ring nasugatan sa insidente, ayon sa mga awtoridad.

Iniimbestigahan pa ng Nabunturan police ang insidente at kung may mananagot ba rito.

Samantala, dead on arrival ang isang pulis matapos bumangga ang sinasakyan niyang motorsiklo sa kasalubong na motorsiklo sa bayan ng Mabini noong gabi ng Sabado.

Ginagamot din sa ospital ang motoristang nakabangga ng pulis matapos magtamo ng mga sugat sa katawan.

— Ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.