Magko-commute ngayong GCQ? Ilang eksperto may payo

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2020 07:30 PM

MAYNILA - Ngayong umarangkada na ang general community sa maraming bahagi ng bansa, partikular na sa Metro Manila, nagpaalala ang ilang safety expert sa paglabas ng bahay ngayong may banta pa rin ng coronavirus disease 2019. 

Payo ng public health expert na si Susan Mercado, maghugas parati ng kamay gamit ang sabon habang kumakanta ng “Happy Birthday” nang 2 beses. Gumamit din madalas ng alcohol. 

Magdala rin aniya ng face mask at magbaon nag extra para may pamalit. 

“Mahalagang mahalaga yung pagggamit ng mask marmai ako nakakita naka-mask gumagalaw, pawis na pawis kapal ng lickstick mayroon na lipstick ‘yong mask. pagsinuot niyo mask niyo ‘wag na ninyo gamitin, hugas ng kamay kapag gagalawin mask,” ani Mercado. 

Paa sa survival expert na si Ted Esguerra, maituturing “respeto” sa mga katrabaho ang pagsuot ng face mask. 

Kung magco-commute papuntang opisina, ipinayo ni Esguerra na huwag nang magsuot ng maraming borloloy sa katawan.

Huwag din aniya kalikutin ang cellphone hanggang makarating sa kinaroroonan. 

“Kung puwede walang relo kasi yung cellphone may relo, alahas, wag madala ng ornamental sa katawan kasi pwede maghagip yan ng mikrobyo and worst is yung virus at madala sa bahay,” ani Esguerra. 

Kung maaari, ipinayo ni Mercado na magsuot ng komportableng sapatos sa pag-commute. 

“Rubber shoes, flat shoes di nyo alam kung saan kayo aabutan ng pila ang pila magiging bahagi ng ating pang-araw-araw ng buhay,” ani Mercado. 

Pagkarating ng opisina, siguruhing malinis ang mesa at punasan ng alcohol. 

Huwag din anilang hubarin ang mask at ipatong ito kung saan-saan. 

Iwasan din ang sabay-sabay na pagkain at mainam na may baong sariling tubig at pagkain para makaiwas sa mga pila ng canteen o bilihan. 

“Nakikita natin ngayon na ito yung high risk activity natin yung nagsasalo-salo. Bahagi ito ng kultura natin pero maraming pag-aaral yung mga nagkakasakit na health worker ay kapag nagsalo-salo sila,” ani Mercado. 

At pag-uwi, huwag ipasok ang sapatos sa loob ng bahay hangga’t hindi nadi-disinfect at hugasan ang kamazy bago tanggalin ang mask at hubarin ang mga sinuot. 

Payo pa ng mga eksperto, maligo nang maigi bago makisalamuha sa mga kasama sa bahay. — Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.