PatrolPH

Pulis-Navotas patay sa pamamaril sa Malabon

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2019 01:24 AM

MAYNILA—Patay ang isang pulis-Navotas matapos pagbabarilin ng mga salaring nakasakay sa motorsiklo sa lungsod ng Malabon nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Police Patrolman Alex Vitug Jr., na papunta sana ng Navotas Police headquarters para mag-duty.

Binabagtas ni Vitug ang Araneta corner Tuazon Street nang tambangan ng mga salarin.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Police Corporal Michael Oben ng Malabon Police, tanging wallet at lalagyan ng baril ng biktima ang nakuha sa crime scene. Wala ang kaniyang motorsiklo at service firearm.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.