PatrolPH

Hardware store sa Davao natupok ng apoy

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2019 11:43 AM

Hardware store sa Davao natupok ng apoy 1
Nahirapan ang mga bombero na apulahin ang apoy dahil na rin sa mga nakaimbak na pintura sa hardware store. Bonna Pamplona, ABS-CBN News


DAVAO CITY – Tinupok ng apoy ang isang hardware store sa may KM 22 sa Barangay Los Amigos sa Tugbok District dito sa siyudad, Biyernes ng gabi.

Ayon sa tinderong si Adrian Sulotan, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali na puno ng nakaimbak na pintura, lacquer at PVC pipes. 

Sinubukan pa ni Sulotan na apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher pero nagpatuloy pa rin ito.
 
Nahirapan din ang mga bombero na apulahin ang apoy dahil sa mga pintura.

Iniimbestigahan pa ng Mintal Fire Station kung ano ang naging sanhi ng sunog. Isa sa kanilang tinitingnang dahilan ay electrical short circuit.

Tinatayang aabot sa P2 milyon ang pinsalang dulot ng sunog

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.