PatrolPH

4 arestado sa buy-bust sa QC; P1.1-M 'shabu' nasamsam

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2019 01:22 PM | Updated as of Jun 01 2019 09:28 PM

Watch more News on iWantTFC

Apat ang arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Culiat, Quezon City nitong Biyernes.

Kaagad na pinosasan ang mga suspek na sina alyas Louella at alyas Leandro matapos magbenta umano ng droga at tumanggap ng pera sa nagpanggap na bibili nito sa isang bahay sa Sal-Am Compound sa Quezon City.

Nahuli naman ang ama ni Louella na si alyas Rod sa kuwarto ng nasabing bahay habang umano'y nagbebenta rin ng shabu.

Naroon din ang isa pang suspek na si alyas "Dino" na may dala umanong 70 gramo ng shabu. Pero aniya, napag-utusan lamang siya ng isang tao na kung tawagin niya ay "Boss."

Aabot sa 170 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.1 milyong piso ang nakuha sa apat na suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

-- Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.