Tsuper na nagbebenta umano ng shabu, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2018 05:17 AM

ARAYAT, Pampanga - Tigil-pasada muna ang isang tsuper matapos mahuli ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa bayang ito.

Narekober mula sa 60-anyos na suspek ang 3 sachet ng hinihinalang shabu.

"Jeepney driver siya at binibigyan niya ang kasama niyang namamasada rin," ani Supt. Dale Soliba, hepe ng Arayat Municipal Police Station.

Pinabulaanan naman ng suspek na sangkot siya sa pagtutulak.

Pero inamin niya na gumagamit siya ng ilegal na droga para sa pamamasada.

"'Pag lumalabas kasi ako ng gabi, walang prangkisa kasi," aniya.

Dati nang sumuko ang suspek sa mga pulis noong 2016 pero hindi ito sumali sa community-based reformation program.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.