SAPUL SA VIDEO: Kotse, nasunog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2018 04:09 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuha ni Vincent Florida

DAVAO CITY - Nasunog ang isang kotse na nakaparada sa isang mall sa Ecoland, Davao City Huwebes ng hapon.

Nakuhanan pa ng video ng may-ari na si Vincent Florida ang insidente.

Aniya, biglang nagliyab ang kaliwang bahagi ng sasakyan nang ito ay kaniyang paandarin.

Palyadong electrical wiring ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng sunog, ayon sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

"Posibleng nag-spark ito na malapit sa gas tank kaya sumiklab," ani FO3 Niño Glorio ng SIR Matina Fire Station.

Wala namang nasaktan sa insidente dahil agad na nakalabas ng kotse si Florida at kaniyang kasama. - ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.