Presyo ng produktong petrolyo, posibleng bumaba sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2018 08:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inaasahang magkakaroon ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ang pagbaba sa presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Pero ngayong araw ay nagkaroon na ng taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG). 

Mahigit sa tatlong piso ang itinaas sa presyo ng LPG.

• Eastern Petroleum
P3.30/kg 

• Solane
P3.36/kg

• Petron LPG
P3.40/kg

Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod na tumaas ang presyo ng langis.

Ayon sa Department of Energy (DOE), hindi maituturing na epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ang pagtaas sa presyo ng krudo.

"Increase in oil price is not because of TRAIN law and excise tax. It's because of international market conditions. We need the tax to fund the Build, Build, Build infrastructure," ani DOE secretary Alfonso Cusi.

Aniya, tumitingin na ang gobyerno ng alternatibong mapagkukuhanan ng murang langis tulad ng Russia.

"Hindi lang Russia tinitingnan natin. Russia is an option. PNOC (Philippine National Oil Company) is looking at the end of June na dumating ang first shipment," dagdag ni Cusi.

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.