Misis, 10 beses sinaksak ng screwdriver ng mister dahil sa selos

Jasper Acosta, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2018 01:36 PM

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos niyang pagsasaksakin nang 10 beses ang asawang nagtataksil umano sa kanya.

COTABATO CITY - Sa kulungan ang bagsak ng 26-anyos na lalaking sumaksak sa kaniyang misis sa Barangay Poblacion V, Huwebes ng hapon.

Sa pahayag ng suspek na si “Nhor”, pinagsasaksak nito ang asawa gamit ang screwdriver nang makita n'ya sa cellphone nito na may kahalikang ibang lalaki.

Isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng 10 saksak sa katawan.

Sabi ng suspek, hindi umano n'ya akalaing magagawa ng misis na magtaksil sa kanya dahil 8 taon na silang kasal at 3 na ang kanilang mga anak.

Ayon sa pulisya, posibleng maharap sa kasong frustrated parricide ang suspek kung maghahain ng reklamo ang panig ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.