'Kape at Salita' tampok si Bro. Bo Sanchez, magsisimula na sa Sabado

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2018 03:15 AM

Mapapanood at mapakikinggan na sa DZMM Teleradyo simula Sabado, Hunyo 2, ang bagong programang "Kape at Salita."

Watch more in iWant or TFC.tv

Makakasama sa programa sina Brother Bo Sanchez, Randy Borromeo, Alvin Barcelona, at Rissa Singson Kawpeng.

"Today is gonna be a day of miracles," minsang nasabi ni Sanchez sa mga nagtipon para makinig sa mga pangako ng Diyos.

Simula 5 a.m. hanggang 6 a.m. ay puwedeng matunghayan ang natatanging almusal kung saan dadamahin ang pagmamahal ng Maykapal sa pamamagitan ng Kaniyang mga salita.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.