Biyudo na may 3 anak, inordenahan bilang pari

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2018 08:41 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Inordenahan nitong Biyernes bilang ganap na pari ang isang 66-anyos na ama sa Antipolo.

Muling pinasok ni Rev. Lamberto Ramos ang paglilingkod sa Simbahang Katolika matapos niya dating talikuran ang seminaryo at piliin ang buhay pamilya.

Ani Ramos, binigyan siya ng pahintulot ng kaniyang asawa na ituloy ang bokasyon bago ito pumanaw taong 2009.

"Since I was 10 years old all the way to becoming a widower, I believe that it was something that is hidden, but just surfaced when my wife died," ani Ramos.

"After many many months of meditation, discernment, I thought, I should better look for a diocese that will accept me," dagdag ni Ramos.

Masaya aniyang tinanggap ng kaniyang tatlong anak ang pinili niyang bokasyon.

"They look at it as a fulfillment of the request of their mother...thankfully, my children are mature enough [so] they understand that this is something that has been hidden within my heart," ani Ramos.

Aminado ang bagong pari na malaki ang magiging pagbabago sa kaniyang pamumuhay.

"I have assumed a new identity and together with it is a new lifetime in pursuit of a new mission. The life of a married man or father must be set aside," dagdag ni Ramos.

Ayon sa obispo ng Antipolo, pinapayagan lamang nila ang isang pamilyadong lalaki na maging pari kung wala na itong responsibilidad sa kaniyang asawa at anak.

"Puwede naman basta malaki ang anak at wala nang pananagutan. Mga anak niya (Ramos) puro professional na," ani Most Rev. Francisco de Leon, bishop ng Diocese of Antipolo.

Ani De Leon, makatutulong ang dating karanasan ni Ramos bilang pinuno ng iba't ibang kompanya sa magiging papel nito sa Simbahang Katolika.

Sa ngayon ay magsisilbi muna si Ramos bilang consultant ng Our Lady of the Abandoned sa Marikina.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.