Mga bata sa Marawi, sumailalim sa stress debriefing

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2017 01:54 PM

Pinagdrawing, pinagkulay, at kinausap ng mga volunteer ang mga batang namamalagi sa Maria Cristina evacuation center sa Iligan City isang linggo matapos sumiklab ang putukan sa pagitan ng gobyerno at mga terorista sa Marawi City.

Halos 173 na pamilya ang namamalagi sa Maria Cristina evacuation center habang 13,000 na tao ang naitalang sumisilong sa 22 evacuation center, at 79,000 na iba pa ang nakikitira sa mga kaanak sa mga kalapit na bayan.

Ayon kay Genevieve Amodia ng Red Cross Iligan, pansamantalang itinigil ang pag-rescue sa ibang sibilyan na naipit sa Marawi City dahil mas naging mahirap na ang pagpasok sa siyudad sa gitna ng mas tumitinding bakbakan.

Ayon sa Red Cross, nakatuon na ngayon ang organisasyon sa pamimigay ng gamit sa pagkain, mga damit, at serbisyong pangkalusugan ang para sa mga apektado ng gulo sa Marawi.

- ulat mula kay Roxanne Arevalo, ABS-CBN News.