Bahagi ng España Blvd, isinara dahil sa bomb threat

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2017 01:04 PM

MANILA- Isinara nitong Huwebes ng tanghali ang bahagi ng España Boulevard dahil sa banta ng isang bomba.

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang bahagi ng kalsada papuntang Quiapo mula sa Welcome Rotonda, Quezon City dahil sa isang kahina-hinalang bag na natagpuan sa isang waiting shed.

 

Sinasabing isang lalaking naka-bike ang nag-iwan ng camouflage na bag na nakapatong sa upuan sa waiting shed na malapit sa Miguelin Street.

Rumesponde na ang mga miyembro ng Explosive Ordnance Team ng Manila Police District at hinarangan na ang kalsada.

Hindi naman apektado ang daloy ng trapiko sa España papunta sa Quezon City.-ulat ni Dennis Datu, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.