PatrolPH

#WalangPasok: Mayo 31, Miyerkoles, dahil sa bagyong Betty

ABS-CBN News

Posted at May 31 2023 12:19 AM

MAYNILA — Suspendido ang klase sa ilang lugar ngayong Miyerkoles, Mayo 31, bilang paghahanda sa masamang panahong dala ng bagyong Betty.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang mga sumusunod. 

LAHAT NG ANTAS

  • OCCIDENTAL MINDORO
    -Mamburao
    -Rizal
    -Santa Cruz
    -San Jose


PRESCHOOL HANGGANG SENIOR HIGH SCHOOL

  • Licuan-Baay, Abra
  • Tuba, Benguet


PRESCHOOL HANGGANG ELEMENTARY

  • Baguio City

Kasalukuyang nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, habang nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang mga lalawigan ng Cagayan, Apayao, bahagi ng Ilocos Norte, bahagi ng Kalinga, bahagi ng Abra, at bahagi ng Isabela.

Bagama’t hindi magla-landfall ang bagyong Betty, inaasahan namang mahihila nito ang southwest monsoon o habagat na maaring magdala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.