TFC News

PANOORIN: ‘Fastest Crossing On Foot' Guinness World Record nasungkit ng mga Pinoy sa Qatar

Ardee De Leon | TFC News Qatar

Posted at May 31 2023 06:13 PM

DOHA - Nasungkit ng Pinoy long distance runners na sina Romil Abule at Michelle Butiu ang Guinness World Record sa ‘Fastest Crossing On Foot' ,nang tinakbo nila ang cross country route ng Qatar mula Al Ruwais sa dulong hilaga ng bansa hanggang sa Abu Samra sa dulong katimugan ng Qatar, malapit sa Saudi border.

1
Courtesy of Guinness World Records

Si Romil Abule, kahit masakit na ang katawan dahil sa pagod, gutom at ginaw ay tinapos ang kanyang 'crossing by foot' ng Qatar sa loob ng isang araw, walong oras at 59 minuto noong October 20, 2022.

Siya na ngayon ang may hawak ng Guiness World Record na ‘Fastest Crossing On Foot' sa male category.

1C
 

Bagamat hindi pinalad sa unang niyang tangkang cross country run noon, hindi natinag ang Pinay fitness trainer na si Michelle Butiu na subukan itong muli. Nasa bucket list niya raw kasi ang mapasama ang kanyang pangalan sa Guinness World Records.

1M

Noong April 6, 2023, bunga ng matinding paghahanda at determinasyon, nakatawid sa finish line si Butiu sa Abu Samra sa loob ng isang araw, 6 na oras, 23 minuto at 42 segundo, mas mabilis ng pitong minuto kaysa sa dating record.

4

Dahil dito si Michelle Butiu na ngayon ang may hawak ng Guiness World Record na ‘Fastest Crossing On Foot’ sa female category.

Buong pusong inihandog nina Abule at Butiu ang kanilang tagumpay sa kanilang pamilya at mga kababayan.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Qatar, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC