TFC News

PANOORIN: 11 Pinoy na siklista sa Kuwait inararo ng SUV

Maxxy Santiago | ABS-CBN Middle East News Bureau

Posted at May 31 2023 08:50 AM

KUWAIT - Labing-isang Pilipinong siklista sa Kuwait ang sugatan, puno ng galos at ang iba nagtamo ng bali sa iba-ibang bahagi ng kanilang katawan matapos umanong araruhin ng isang SUV ang grupo habang nagbibisikleta sa Arabian Gulf street, madaling-araw noong Biyernes, May 26.

Ayon sa mga biktima, humarurot ng takbo ang SUV matapos silang araruhin nito. Agad namang dumating ang mga otoridad at mga ambulansya sa lugar.

1

Pito ang isinugod sa Amiri Hospital at apat ang isinugod sa Mubarak Al Kabeer Hospital. Nakalabas din noong Biyernes ang walo, Samantala, tatlo naman ang malubhang nasugatan at nagpapagaling sa ospital.

Iniimbestigahan na ngayon ng Kuwaiti police ang pangyayari. Nagtalaga naman kaagad si Philippine Ambassador to Kuwait Jose Cabrera III ng abugado para tutukan ang kaso.

Naghain na ng hit and run case ang abugado ng embahada laban sa suspek na ayon sa Ministry of Interior ay sumuko na.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Kuwait, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC