PatrolPH

P6.8-M halaga ng umano’y shabu nasabat sa Cotabato City; suspek nakatakas

ABS-CBN News

Posted at May 31 2022 05:34 AM

Kuha ng PDEA BARMM
Kuha ng PDEA BARMM

Nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasabat umano ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Cotabato City noong Sabado.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Davao Region, isang kilo ng shabu ang nakumpiska sa Barangay Rosary Heights 3 sa lungsod. Nasa malaking pakete ang ilegal na droga.

Pero bigla umanong nakatakas ang suspek na si alyas Arson at hindi na mahagilap matapos habulin ng mga PDEA agent.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa suspek na nakatakdang sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.