PatrolPH

Deployment ng Pinoy hotel workers sa Israel kasado na

ABS-CBN News

Posted at May 31 2022 08:16 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Matapos ang 2 taong pagkakaantala dahil sa COVID-19 pandemic, magpapatuloy na ang deployment ng Pinoy hotel workers sa Israel. 

Aabot sa 61 ang aalis sa Miyerkoles para lumahok sa programa, na unang pagkakataon para sa Israel na kumuha ng foreign workers para sa kanilang hotel industry. 

Karamihan kasi ng mga Pinoy na kinukuha roon ay caregivers. 

"There’s a lot of appreciation for the Filipino workers in Israel. Hard working, very loyal. We are just exiting the pandemic, tourism is picking up so I believe there is also room for growth," ani Israeli Ambassador Ilan Fluss. 

Para kay Department of Migrant Workers chief Abdullah Mama-O, patunay ang programa na nagpapadala ang bansa ng mga de-kalidad na mga manggagawa. 

"This new recruitment for hotel workers is one development to prove that the workers we are sending to Israel are quality workers," aniya. 

Nasa P77,000 kada buwan ang sahod ng Pinoy hotel workers sa Israel. 

Puno na ngayon ang 500 slots pero inaasahang dadami pa ang kakailanganin. 

Mainam anila na magbantay ng updates sa website ng DMW, sapagkat dito na mapapaloob ang Philippine Overseas Employment Agency. 

Bukod dito, may job orders din mula sa Japan na naghahanap ng 300 caregivers, at 50 nurses, basta't masundan ang requirements. 

Aabot naman sa 850 nurses at 50 midwives ang kakailanganin sa Saudi Arabia kung saan halos P60,000 ang sahod. May taunan din itong umento.

Sa Hunyo ang deadline ng mga application kaya importanteng tingnan ito sa DMW website. 

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Related Videos