PatrolPH

#WalangPasok: Ilang bayan sa Davao de Oro dahil sa Bagyong Dante

ABS-CBN News

Posted at May 31 2021 01:20 PM

Suspendido ang klase sa mga paaralan sa ilang bayan sa Davao de Oro ngayong Lunes dahil sa masamang panahong dala ng Bagyong Dante.

Kinansela ng mga lokal na pamahalaan ng mga bayan ng Monkayo at Compostela ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa bagyo.

Hindi na rin umano kailangang mag-report sa paaralan ng mga teaching at non-teaching personnel.

Inabisuhan ng parehong lokal na pamahalaan ang kanilang mga residente na maging alerto sa posibleng epekto ng bagyo.

Bahagyang lumakas nitong umaga ng Lunes ang bagyo, na namataang nasa bahagi ng Philippine Sea, 515 kilometro ang layo sa Davao City, sabi ng PAGASA.

Isa na ang namatay sa Davao del Sur dahil sa pagbahang dala ng bagyo, habang hindi bababa sa 90 pamilya ang inilikas sa Davao City.

-- Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.