PatrolPH

Lalaki arestado sa pagbebenta umano ng marijuana sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at May 31 2021 07:36 PM

NEW BATAAN, Davao de Oro — Arestado sa bayan na ito noong Biyernes ang isang 34-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ng mga awtoridad ang nahuli na si Ronel Macpao, alyas "Paki," isang person with disability (PWD).

Nasabat kay Macpao ang 9 pakete ng umano'y pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot ng dyaryo at sari-sari ang laki.

Sumatutal, 750 gramo ang nakuha sa suspek at nagkakahalaga umano ito ng P35,000.

Sinampahan na ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

—Ulat ni Cheche Diabordo

RELATED VIDEO 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.