PatrolPH

Homeless na nagbigay donasyon sa community pantry sa Maynila, hinangaan

ABS-CBN News

Posted at May 31 2021 06:02 PM

 

Hinangaan sa social media ang isang street dweller sa kanyang pagbibigay ng donasyon sa isang community pantry sa Maynila. 

Ayon kay Bayan Patroller Reggie Piadoche, mula Sampaloc, ang kinilalang street dweller ay si "Jayson", na hindi rin umano masyadong nakakapagsalita at palagi lang nakangiti.

Dagdag pa ni Piadoche, nagpunta sa kanilang restaurant si Jayson noong Nobyembre 2020 at mula noon ay binibigyan na siya ng kanyang Nanay Ligaya ng pagkain at kung minsan ay damit din. 

Nitong Martes lang, nakuhanan siya ng litrato nang maghulog siya ng barya sa lagayan ng donasyon ng pantry. Malamang ito umano'y galing din sa paglilimos na pwede niya sana pambili ng kanyang makakain, pero mas piniling ibigay sa pantry. 

Dagdag pa niya, nakatutuwang isipin na kahit na namamalimos si Jayson at isang street dweller, nagawa pa niyang magbigay kung ano ang kanyang makakaya at bakas ang ngiti sa mukha.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.