PatrolPH

Presyo ng LPG may rollback sa Hunyo 1

ABS-CBN News

Posted at May 31 2020 09:03 PM

Nag-abiso ang mga kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) na babawasan nila ang presyo ng kanilang mga produkto simula Lunes, Hunyo 1.

Simula alas-6 ng umaga, babawasan ng Solane ng P0.27 ang kada kilo ng kanilang LPG.

Sinabi naman ng Petron na P0.30 ang kanilang bawas-presyo sa kada kilo ng LPG habang P0.17 naman sa kada litro ng auto-LPG, epektibo alas-12:01 ng hatinggabi.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.