Pangulong Duterte may mensahe sa kaarawan ng anak na si Sara

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at May 31 2020 01:38 PM

Sinamahan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kaniyang ama, si Pangulong Rodrigo Duterte, sa 123rd anniversary ng martyrdom ni Jose Rizal sa Rizal Park sa Davao City noong Disyembre 2019. Karl Norman Alonzo, Presidential Photo

MAYNILA – Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang pagdiriwang ngayong Linggo ng kanyang ika-42 kaarawan.

Sa isang video message, sinabi ni Duterte, 75, sa anak na maging tapat sa bansa at patuloy na magserbisyo para sa mga tao.

“Be true to your country. Work hard for the people. And the rewards I think are there, made in heaven, not here. Trabaho ka lang and be good,” ani Duterte.

“Happy birthday, I love you,” dagdag niya.

Ikinuwento ni Duterte na noong sanggol pa lang si Sara, sinabi niyang magiging alkalde ito ng Davao City.

“Alam ng nanay niya, when I was cuddling the baby... I’d call her ‘Inday’ and she will be mayor of Davao City,” ani Duterte, na 2 dekada ring naging alkalde ng naturang lungsod bago sundan ng anak.

Ayon pa sa pangulo, bukod sa kaarawan ng anak, espesyal din ang araw na Mayo 31 dahil wedding anniversary ito ng mga yumao niyang magulang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.