PatrolPH

2 patay sa karambola ng 3 saskayan sa Tagum City

ABS-CBN News

Posted at May 31 2020 04:59 PM

Patay ang 2 lalaki matapos maaksidente ang sinasakyan nilang pickup truck sa Tagum City, Davao del Norte noong gabi ng Sabado, ayon sa mga awtoridad.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Dante Geraldo at Salvador Zamoras, parehong residente ng Panabo City.

Nangyari ang aksidente bandang alas-6 ng gabi sa Barangay Bincungan.

Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang takbo ng pickup truck at umuulan kaya nabangga nito ang tricycle na nasa harapan.

Sa lakas ng pagbangga, umikot ang 2 behikulo at umabot sa kabilang lane ng kalsada. Bumangga din ang pickup sa kasalubong na wing van.

Dinala naman sa ospital ang sugatang driver ng tricycle.

Ayon kay Lt. Col. Pablito Odias, hepe ng Tagum police, accident prone ang lugar na pinangyarihan ng aksidente dahil malawak ang kalsada at wala ring ipinatutupad na speed limit.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Nasa kustodiya naman ng Tagum police ang driver ng wing van, na maaaring maharap sa kasong reckless impudence resulting in multiple homicide, serious physical injury at damage to property.

-- Ulat ni Andoreena Causon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.