2 patay, 4 kritikal sa away sa Davao City dahil umano sa amoy mula sa septic tank

ABS-CBN News

Posted at May 31 2020 03:34 PM | Updated as of May 31 2020 05:12 PM

Patay ang 2 tao habang kritikal ang lagay ng 4 iba pa matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa Davao City nitong umaga ng Linggo dahil umano sa away na nag-ugat sa amoy mula umano sa septic tank.

Kinompronta ng pamilya Navarro ang kapitbahay nitong si Rolando Salazar, 66, upang i-reklamo ang mabahong amoy, ayon sa imbestigasyon ng Buhangin police.

Nauwi umano sa pamamaril ang alitan.

Lima sa pamilyang Navarro ang tinamaan, na ikinamatay ng isa sa mga ito. Kritikal naman ang kalagayan ng apat.

Nabaril rin umano ng suspek ang sariling anak na siyang ikinamatay nito.

Sinubukan raw ni Salazar na tumakas pero nahuli siya ng mga pulis.

Mahaharap ang suspek sa kasong murder at frustrated murder, ayon sa pulisya.

-- Ulat Chrislen Bulosan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.