Batang naka-bisikleta, kritikal matapos banggain ng motorsiklo

RJ Rosalado, ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 08:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

ZAMBOANGA CITY - Nasa kritikal na kundisyon ang isang 10 taong gulang na lalaki matapos sumalpok ang kanyang bisikleta sa isang motorsiklo sa Barangay Bungiao Zamboanga City Huwebes ng hapon.

Sakay ng kanyang bisikleta ang batang lalaki habang binabagtas ang pababang daan ng Zone 3, nang bigla siyang salpukin ng isang motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang batang lalaki mula sa kanyang bisikleta at tumama ang kanyang ulo sa semento.

Agad namang dinala ng motorcycle rider sa ospital ang sugatang bata na hanggang ngayon ay nasa kritikal pa rin ang kondisyon dahil sa mga malalalim na sugat sa ulo at katawan.

Ayon sa pulis, mabilis ang takbo ng motorsiklo at dahil sa isang blind curve, hindi niya nakita ang kasalubong na bisikleta.

Hindi naman naaresto ng mga pulis ang motorcycle rider na bigla umanong nawala sa ospital matapos na madala ang bata sa pagamutan.

Pero nasa kustodiya naman ng mga pulis ang kanyang motorsiklo na iniwan niya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.