Alitan sa aso nauwi sa saksakan sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 07:02 AM | Updated as of May 31 2019 09:55 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sugatan ang isang lalaki matapos siyang saksakin dahil sa alitan sa aso sa Pasay City Huwebes ng gabi.

Nagtamo ng sugat sa ulo at katawan si Jezrael Paradilla habang naaresto ang 38 anyos na suspek.

Base sa paunang ulat ng pulisya, binato umano ng suspek ang aso ng biktima. Nagtalo ang 2 hanggang sa magpambuno at nauwi ito sa saksakan.

Depensa ng suspek, sinaksak niya ang biktima dahil susugurin umano siya ni Paradilla na may dalang tubo.

Dinala sa ospital ang biktima at kasalukuyang inoobserbahan.

Mahaharap naman sa kasong frustrated murder ang suspek. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.