ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Metro Manila, Mayo 31-Hunyo 3

ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 04:11 PM

Kasado na simula Biyernes ng gabi ang mga isasagawang road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba't ibang parte ng Kamaynilaan. 

Sa abisong inilabas ng DPWH, sinabi nitong maaapektuhan ang ilang kalsada sa kahabaan ng EDSA at C5. 

Isasagawa ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes sa mga sumusunod na kalsada:

EDSA

  • Kanto ng Monte de Piedad hanggang Aurora Boulevard 
  • 3rd lane ng Service Road mula sidewalk sa kanto ng New York Street 
  • 1st lane mula sa sidewalk sa kanto ng Bansalangin Street
  • Magallanes hanggang Baclaran bus stop, outer lane 
  • Outer lane mula Magallanes hanggang Alabang bus stop

C5

  • Southbound direction tapat ng Market Market 
  • Katabing U-Turn slot malapit sa Market Market

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang motorista na maghanap ng alternatibong ruta para makaiwas sa traffic.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.