2 senior citizen patay sa salpukan ng kotse, trak sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 03:42 PM | Updated as of May 31 2019 03:53 PM

Dalawang senior citizen ang napatay nang mabangga ng isang 10- wheeler truck ang sinasakyang kotse sa Cavite nitong Huwebes. 

Nakilala ang mga biktima na sina Ronald Mangalili at Evangeline Bowers. 

Naitakbo pa ng rescue team ang mga biktima sa pagamutan ng bayan ng Carmona pero dead on arrival na ang dalawa. 

Ayon kay Police Maj. Rommel Carcellar, hepe ng Carmona Police, biglang nag-u-turn ang kotse na minamaneho ni Mangalili at hindi nito napansin ang paparating na 10-wheeler truck. 

Nahagip pa ng isa pang trak ang kotse kaya nagkayupi-yupi ito. 

Nasa kustodiya na ng Carmona police ang drayber ng trak na si Cristobal Coronas. 

Sa ngayon ay inaantay pang makarating ang mga kaanak ng dalawang biktima para malaman ang susunod na hakbang sa kaso. 

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.