2 patay sa salpukan ng bus at kotse sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 12:50 PM | Updated as of May 31 2019 01:57 PM

DAVAO CITY - Dalawa ang patay sa banggaan ng bus at kotse sa Quimpo Boulevard, Davao City Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa pulis, namatay ang drayber ng kotse na si Melody Sotelo Ybañez, 27 anyos, at ang kanyang kasama na si Janilou Faye Rosales, 21 anyos, matapos na sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang bus.

Sa inisyal na imbestigasyon, nag-counterflow umano ang kotse at pumasok sa linya ng bus. Dahil sa matulin ang takbo ng dalawang sasakyan ay hindi na nakapag-preno ang bus.

Napag-alamang papuntang terminal ang bus habang ang kotse ay papuntang MacArthur Highway.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.