Tricycle driver patay sa pamamaril sa Tondo

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 31 2018 07:23 AM

MAYNILA - Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng nakaaway nito sa Moriones Street, Tondo, Maynila.

Nasa tapat ng convenience store ang biktimang si King Arthur Roque nang pagbabariling ng suspek na si alyas "Charlon" na dati umano nitong kaaway, ayon kay Sr. Insp. Edwin Fuggan ng Manila Police District station 2.

Tiyempo namang may mga pulis na nagpapatrolya sa lugar kaya hinabol nila ang suspek. Pero nang makorner ng pulisya, nagpaputok pa ang suspek kaya ginantihan din siya ng putok ng mga awtoridad.

Inoobserbahan pa sa ospital si Charlon habang patuloy ang imbestigasyon sa pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.