Truck na may kargang solvent, tumaob sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2017 12:59 AM

MANILA – Tumaob ang isang truck na may kargang liquid solvent sa kahabaan ng Romualdez St., papuntang pier sa Maynila, Miyerkoles ng tanghali.

Ayon sa driver ng truck, nawalan ng balanse ang kanyang minamaneho nang lumiko ito papuntang Ayala Street galing ng Romualdez. 

Tumaob ang truck dahil hindi umano balanse ang karga.

Nakilala ang driver bilang si Warren Sigampong, na nagtamo ng sugat sa kanyang mga braso. Ayon kay Randy Cajuday, traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), gawain na ito ng mga driver kapag naghahabol ng stoplight, na kadalasa'y nauuwi sa aksidente.

Wala namang ibang nasaktan bukod sa driver ng truck, at hindi nagdulot ng trapiko sa lugar ang nasabing insidente, ayon sa MMDA. 

Kaagad nilinis ng mga rumespondeng bumbero ang tumagas na langis galing sa tumaob na truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.