Motorcycle rider, sumalpok sa nabalahaw na trak

Ernie Manio, DZMM

Posted at May 31 2017 10:18 AM | Updated as of May 31 2017 10:39 AM

Sumalpok ang isang motorsiklo sa isang trak na nakahambalang sa kalsada sa Congressional Avenue Extension, Quezon City, mag-aalas-2 ng madaling araw ng Miyerkoles.

Kwento ni Adrian Mallari, driver ng trak, ipinarada niya ang sasakyan nang mabalahaw sa manhole dahilan para pansamantalang humambalang sa kalsada.

Nang dumating ang motorsiklo, huli na nang mamalayan ng driver na may trak kaya siya sumalpok dito.

Agad na dinala sa pagamutan ang hindi pa nakikilalang driver ng motorsiklo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.