Lalaki, binaril at kinaladkad sa Dumaguete City

ABS-CBN News

Posted at May 31 2017 07:57 PM

Isang 26 anyos na lalaki ang binaril ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki sa Bajumpandan, Dumaguete City, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jade Anthony Sayson, residente ng Brgy. San Miguel, Bacong.

Ayon sa pulisya, bumibili ang biktima ng sigarilyo sa isang tindahan sa Brgy. Canday-ong nang kaladkarin ito ng mga armadong lalaki, ala-una ng madaling araw.

Nadiskubre ng mga residente ang katawan ni Sayson alas 6 ng umaga.

Nagtamo ang biktima ng gunshot wounds na agad ikinamatay nito.

Pinaniniwalaan ng Dumaguete City Police na may kinalaman ang pagpatay sa biktima dahil ito say sangkot umano sa iligal na droga. 

Isang pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa biktima.

--Ulat mula kay Aiza Layague, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.