Curfew sa Iligan, mas pinalawig

Edwin Sevidal, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2017 01:01 AM | Updated as of Jun 01 2017 07:44 AM

ILIGAN CITY -- Mas pinaaga ang pagpapatupad ng curfew sa Iligan City Miyerkoles ng gabi.

Kung noong nagsimula ang martial law sa Mindanao ay alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw nagkakaroon ng curfew, ngayong Miyerkoles ay ipinatupad ito ng alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Dahil dito, mas maaga rin nagsara ang mga negosyo sa siyudad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.